Naranasan mo na ba yung feeling na meron kang gustong matutunan, pero walang gustong magturo sa iyo ng bagay na iyon?
Naranasan mo na ba yung inggit na inggit ka dahil napakagaling niya sa bagay na ganoon at sana ikaw din?
Pero naranasan mo na rin ba ang matutunan ang isang bagay na ikaw lang ang nagturo sa sarili mo ng kaalamang iyon at wala ng iba?
Ibig kong sabihin, walang personal na taong tumutok sa iyo para ituro ang mga bagay bagay pero may mga resources ka siyempre na ginawa ng isang tao.
Marami akong gustong matutunan, pero walang gustong magturo, may mga taong hindi naman interesado sa bagay na iyon, pero sila ang tinuturuan. Gawain ko na lamang ba ang matutunan ang isang bagay na ako lang?
Pero masasabi ko lamang, marami na rin akong bagay na natutunan ng ako lamang ang nagturo sa sarili ko.
Napakasarap ng feeling ng natutunan mo ang bagay na iyon ng ikaw lang. Napakaindependent.
Salamat na lang sa kanila at ipinagdamot nila ang kanilang karunungan. Marunong ang Diyos. Marami siyang resources.
Kaya sometimes, we use all of our available resources in our own disposal para lamang matutunan ang isang bagay.
Oh...another random...wala lang...may naalala lang...
Di ko na tuloy matuloy tuloy ang susunod na kabanata tungkol kay Chie.
Nakakinis din minsan. Writers needs privacy. Lalo na sa akin, beginner. Eh wala ako nun. Wala akong privacy. Saan ba nakakabili nun?
OK so long. Konting update lang then sa susunod ulit.
Pasundot sundot lamang.
Magandang gabi at happy blogging.
Friday, December 6, 2013
Tuesday, December 3, 2013
"Oo na ikaw na ang perpekto!!!!!"
Sa bawat taong dumadaan sa harap mo. Gaano kadalas lumalabas ang mga
kritisismo sa iyong bibig? Gaano kabilis ang iyong mga mata na tila
scanner sa pagtitig mula ulo hanggang paa ng mga natatanaw?
Salita, lakad, pananamit at kung anu-ano pang kilos.
Mga pisikal na aspeto ng tao ang kadalasang nagiging tema ng mga usapin.
At mula sa panlabas na anyo kahit hindi naman na tunay na kilala ang tinitingnan, hindi mabilang na kritisismo ang maririnig.
Meron nga na papuri ngunit kakambal pa rin nito ang simpleng pang-lalait.
Nasabi o narinig mo na ba ang mga linyang: " Oo ang ganda niya, pero mukhang utak langaw", o kaya naman: "pare ang seksi niya, pra siyang hipon katawan lang ang may K!", o dili naman kya, "Ang puti naman nyan, siguro bading."
Ilan lang yan sa mga salitang kumakawala sa bibig dahil sa mga nkikita ng mga mata.
Pero bakit nga ba hilig ng nkararami na pumuna sa mga kamalian o kakulangan ng ibang tao? Bakit kadalasan sa dinami rami ng pwedeng masabi, yung negatibo pa ang mga napapansin? Ito ba ay dahil sa karapatan ng bawat isa na magsalita at maglahad ng opinyon o baka naman nais lang makadama ng pagkalamang ng iba, isang hakbang na mas nakaka angat sa iba?
Madalas gawin gayung hindi naman kilala ang pinagmamasdan at lalong hindi naman ang masaklap na opinyon ukol sa kaniyang katauhan.
Alin man sa dalawa ang rason o wala man sa dalawa ang dahilan nrarapat na ilugar ang mga salitang binabanggit at piliin ang mga maganda ng ikaw ang pinaguusapan kaysa naman ikaw ang ngsasalita pero wala namang katuturan...

-Lanie Viloria
Chie
Nagmamadaling lumabas ng silid-aralan si Killua ng hapong iyon. Tumunog na ang kampana ng paaralan hudyat na tapos na ang panghuling klase ng araw na iyon. Gaya ng ilan sa mga mag-aaral, nalululong na rin sa paglalagi sa computer shop si Killua. Kadalasan na sa mga bata at binatilyo na ang tanging layunin nila kung bakit sila ay pumupunta sa lugar na ito ay para makapag-laro ng computer games. Ngunit kay Killua, iba ang kangyang pakay at kinasasabikan sa lugar na iyon.
Noon pa mang bata si Killua ay nalulong na siya pagdating sa paglalaro ng computer games. Nauna niyang kahiligang maglaro ng brick game. Hanggang sa makahiligan niya ring laruin ang gameboy, family computer, sega, arcade, playstation, at hanggang sa matutunan niyang maglaro ng mga laro sa desktop computer. Mayroon siyang desktop computr sa bahay ngunit mas gugustuhin niyang maglaro sa computer shop kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nababagot siya kapag single player lamang ang kaniyang nilalaro. Masmasaya kapag LAN games ang laro.
Natutong maglagi sa computershop si Killua noong siya ay malipat ng paaralan noong siya ay maging 3rd year highschool. Ang mga bagong niyang kabarkada ang nagturo sa kaniya kung paano maglaro ng computer games sa desktop. Ang usong mga laro na kaniyang nilalaro ay ang Counter Strike, Red Alert 2, Starcraft, at Diablo 2. Simula noon palagi na siyang naglalagi at naglalaro sa computer shop.
Hindi lamang mga naglalaro ng computer games ang makikita sa nasabing lugar. Naroon din ang mga mas nakatatandang mga binata at dalaga, ngunit hindi upang maglaro ng computer games. Naroon sila para magbrowse sa Internet, magcheck ng e-mail, at ang makipagchat sa YM o kaya sa MIRC.
Minsan naisipan din ni Killua ang mag Internet. Ano kaya ang mayroon sa Internet o kaya chat at nahihilig ang ilan dito. Kaya isang araw, naisip niyang diskubrehin ang misteryo sa likod nito. Ayaw niyang magpaturo sapagkat nahihiya siya, kaya sa una, siya ay nangapa pa. Ngunit hindi nagtagal ay nakabisado na niya ito at ng matutunan niya, isa na rin siya sa mga parokyano sa computer shop na iyon na ang hilig, ang maginternet. Ngunit paminsan minsan ay nakukuha pa rin niyang makipaglaro sa kanyang barkada.
Si Killua sa kaniyang edad, isang fourth year highschool, ay hindi pa naranasang magkaroon ng kasintahan, kagaya ng ilan sa kaniyang mga kakilala at kaklase. Sadiya siyang mahiyain at torpe pagdating sa babae. Samantalang kinder pa lamang siya noong una siyang magkaroon ng crush sa paaralan. Tony Rose ang pangalan ng una niyang naging crush sa paaralan. Kapag katabi niya ang kaniyang crush, nauutal siya at natatahimik na lamang.
Natuto ng makipagchat si Killua. May mga account na siya sa YM. Alam na niya kung paano magsend ng e-mail. At alam na ri niya kung papaano pumunta sa chatroom. At lahat ng iyon ay walang nagturo sa kaniya at siya lamang ang mag-isa nag-aral kung paano gawin ang lahat ng iyon. Naging normal na sa kaniya ang lahat ng iyon. Palagi siyang nakikipagchat pero walang siyang kasiyahang nadarama sa kaniyang puso. Hindi gaya kapag siya ay naglalaro ng computer games. Hanggang sa isang araw, nakilala niya ang isang chatter na nakilala niya sa pangalang Flim.
Oops, hanggang dito na lang muna...

Sunday, December 1, 2013
Saturday, November 30, 2013
Paul Walker aka Brian O'Conner (Fast and Furious)
Namatay ang actor na si Paul Walker o kilala sa karakter na Brian O'Conner sa pelikulang Fast and Furious. Namatay si Walker sa eded na 40 at siya ay nasangkot sa isang single-car accident explosion sa Santa Clarita, California.
Ang nasabing actor ay di umanaoy nakasakay sa isang Porsche at ng isang di pa nakukumpirmang tao na siyang nagmamaneho sa sasakyan. Nawalang ng kontrol ang nagmamaneho at sila ay nabangga sa isang puno sa Santa Clarita, California na naging sanhi ng pagsabog ng sasakyan.
Ang nasabing aktor ay nasa isang car show sa Santa Clarita. Isa itong car show para sa suporta sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.
Pakealamero
Nakakainis yung mga taong pakealamero. In the sense na wala namang kabuluhan ang pangengealam. Free country ang social networking site at malayang magpost ang sino man ng kahit ano. Aba'y basta ba hindi sana nakakasakit ng kapwa (cyber bullying) eh di napakaganda.
Minsan kasi may mga taong nagkokomento sa mga komento ng may komento na hindi naman na dapat pa ikomento. Ang masama pa niyan, buti sana kung close kayo. FC eh. Feeling close.
Pero alam niyo kung anong mas nakakainis? Yung mga pumapatol sa pakealamero.
Paalam! Magandang gabi!

Friday, November 29, 2013
Inlove or Infatuated?
Meron akong nararamdaman. Isang kakaibang karamdaman. Karamdamang banyaga sa akin. Isang karamdamang hindi mawaglit sa aking damdamin.
Ako'y nagpakunsulta sa aking karamdaman. "Ano ang iyong nararamdaman", ang kanyang katanungan. Malakas at mabilis na tibok ng puso. Animo ako'y lumulutang. Napakagaan ng lahat, Nabibinat ang aking mga labi at naghuhugis half moon na naka higa. O kay sarap ng ganitong karamdaman.
"Ano ang sanhi ng iyong karamdaman?", muli niyang tanong sa akin. Sa tuwing siya ay aking makikita. Sa tuwing siya ay aking masisilayan. Larwan niya lang ang maaninagan, mundo koy napakagaan.
Ang resulta, ako daw ay In love.
Napakatagal ng panahon mula ng maramdaman ko ang ganitong karamdaman. Malamang nasa sampung taong mahigit na ang nakararaan.
Ngunit tanong ko sa aking sarili, ito nga ba'y tunay na pag-ibig? Sino ba ang nagbibigay sa akin ng ganitong karamdaman? Siya ba ay kapitbahay ko lamang? Ni kaeskuwela, katrabaho, o dili kaya'y kakilala ay hindi.
Siya ay isang taong nasilayan ko lamang sa larawan. Isang babaeng ni hindi ako kakilala. Isang babaeng napakahirap abutin. Napakahirap kausapin. Sapagkat, ni hindi kami magkakaintindihan kung sakali mang magkaroon ng pagkakataong kami'y makapagusap.
Tuloy naisip ko, ah malamang infatuation lamang.
Kahit na ganun pa man...nais ko lamang malaman mo...
Gusto na kita Emi Takei!

Subscribe to:
Posts (Atom)