Saturday, November 30, 2013

Paul Walker aka Brian O'Conner (Fast and Furious)



Namatay ang actor na si Paul Walker o kilala sa karakter na Brian O'Conner sa pelikulang Fast and Furious. Namatay si Walker sa eded na 40 at siya ay nasangkot sa isang single-car accident explosion sa Santa Clarita, California.

Ang nasabing actor ay di umanaoy nakasakay sa isang Porsche at ng isang di pa nakukumpirmang tao na siyang nagmamaneho sa sasakyan. Nawalang ng kontrol ang nagmamaneho at sila ay nabangga sa isang puno sa Santa Clarita, California na naging sanhi ng pagsabog ng sasakyan.

Ang nasabing aktor ay nasa isang car show sa Santa Clarita. Isa itong car show para sa suporta sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.


Pakealamero

Nakakainis yung mga taong pakealamero. In the sense na wala namang kabuluhan ang pangengealam. Free country ang social networking site at malayang magpost ang sino man ng kahit ano. Aba'y basta ba hindi sana nakakasakit ng kapwa (cyber bullying) eh di napakaganda.

Minsan kasi may mga taong nagkokomento sa mga komento ng may komento na hindi naman na dapat pa ikomento. Ang masama pa niyan, buti sana kung close kayo. FC eh. Feeling close.

Pero alam niyo kung anong mas nakakainis? Yung mga pumapatol sa pakealamero.

Paalam! Magandang gabi!

Friday, November 29, 2013

Inlove or Infatuated?

Meron akong nararamdaman. Isang kakaibang karamdaman. Karamdamang banyaga sa akin. Isang karamdamang hindi mawaglit sa aking damdamin.



Ako'y nagpakunsulta sa aking karamdaman. "Ano ang iyong nararamdaman", ang kanyang katanungan. Malakas at mabilis na tibok ng puso. Animo ako'y lumulutang. Napakagaan ng lahat, Nabibinat ang aking mga labi at naghuhugis half moon na naka higa. O kay sarap ng ganitong karamdaman.



"Ano ang sanhi ng iyong karamdaman?", muli niyang tanong sa akin. Sa tuwing siya ay aking makikita. Sa tuwing siya ay aking masisilayan. Larwan niya lang ang maaninagan, mundo koy napakagaan.

Ang resulta, ako daw ay In love.



Napakatagal ng panahon mula ng maramdaman ko ang ganitong karamdaman. Malamang nasa sampung taong mahigit na ang nakararaan.

Ngunit tanong ko sa aking sarili, ito nga ba'y tunay na pag-ibig? Sino ba ang nagbibigay sa akin ng ganitong karamdaman? Siya ba ay kapitbahay ko lamang? Ni kaeskuwela, katrabaho, o dili kaya'y kakilala ay hindi.



Siya ay isang taong nasilayan ko lamang sa larawan. Isang babaeng ni hindi ako kakilala. Isang babaeng napakahirap abutin. Napakahirap kausapin. Sapagkat, ni hindi kami magkakaintindihan kung sakali mang magkaroon ng pagkakataong kami'y makapagusap.



Tuloy naisip ko, ah malamang infatuation lamang.

Kahit na ganun pa man...nais ko lamang malaman mo...

Gusto na kita Emi Takei!



Spoiled Bratt!

Kanina pumunta ako ng mall. May sadya akong bilhin. Ng ako'y kasalukuyan ng bumibili, may kumalabit sa akin. Isang ale na nasa thirties marahil. Maayos ang pananamit. Maliit. Mukhang normal na normal. Ngunit noong siya na ay magsalita, medyo may diperensiya ang kanyang pananalita. Kinalabit ako sabay sabi sa akin, "hihingi lang po sana ng konting tulong."

Hindi ako nakasagot kaagad sa pagkabigla. Ganoon naman tayo minsan hindi ba? Kapag tayo ay nabibigla para tayong mga model na nagpapause sandali sa camera. Hindi ko alam ang isasagot ko sa ale. Hindi ko alam kung ako ay mag-oo o mag-hihindi.

Tinapos ko muna ang aking transaksyon sa salesman at ng maiabot sa akin ang sukli, tinignan ko ang ale. Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis. Maaawa sapagkat marahil sa kanyang kalagayan patungkol sa kanyang pananalita. Maaawa sapagkat naglakas loob siya na humingi ng pera sa ibang taong hindi naman niya kaano-ano. Hindi ko mawari kung tulong nga ang hinihingi niya o kaya limos. Automatic na pera ang hinihingi niya. Automatic na siya ay namamalimos. Yun ang tumakbo sa aking utak sa pagkabigla. At naiinis ako sa sarili ko sa panghuhusga ng ganoon kabilis sa kapwa tao. Naiinis ako sapagkat kung namamalimos man siya, napakalakas pa niya para kumita sana ng pera para sa kaniyang sarili. Naiinis sapagkat marami pa riyan ang kailangang mabigyan ng tulong hindi lamang siya.

Sa huli ako'y nagbigay.

Ngunit habang ako ay papalayo sa pinangyarihan, nagtatalo ang aking isipan.

Sinasabi sa Banal na Aklat na kailangan tayong tumulong sa ating kapwa. Kailangan tayong maging mapagbigay sa ating kapwa. Ngunit karapatdapat bang bigyan ang mga ganoon? Napakalakas ngunit namamalimos? Samantalang may mga tao, kung tutuusin mga matatanda na ngunit nagtratrabaho pa rin, ginagawa ang lahat ng makakaya, para lamang sila ay kumita ng pera at mabuhay.



Sino ba ang dapat bigyan ng limos?

Makatarungan ba ang pabibigay sa mga nanlilimos?


Tayo ba ay nakakatulong? O lalo lamang natin silan ini-ispoil? Manghihingi lang, presto, may pera na. O lalo lamang natin silang pinapahirapan?

Payslip

Sa mga karaniwang manggagawa, kadalsang inaasam-asam na petsa ng kalendaryo ay ang mga merong numerong 15 at 30. Madalas maririnig ang katagang "malapit na ang katapusan", hindi sa dahil end of the world na.

Ang end of the world ay ang pangyayaring hanggat maaari ay ayaw ng mangyari.

Pero ang end of the calendar ang pinakahihintay na maganap.

Sahuran. Payday.

Ayan yung time na tatawagin ka sa opisina at may iaabot sa iyong sobre at may ipapapirma sa iyong kapiraso ng papel. Kapiraso ng papel na naglalaman ng mga detalye ng iyong sahod.

Ang ilan ay masaya na nakakatanggap ng payslip yun ay kung kompleton nakuha ang sahod sa kinsenas o kaya katapusan. Eh pero kapag puro kaltas na lamang ang nakikita mo sa statement mo, sino namang kayang nilalang ang matutuwa.

Hindi na bale, ang mahalaga doon, lahat ng nakakaltas ay para naman sa iyong sariling kapakanan. Kung, doon nga talaga napupunta ang mga nakasaad sa payslip. Sana ganoon nga. sana nga. Sana.

Paano ba yan... Sahuran na...

Kaya let's rock!

Thursday, November 28, 2013

Karma

Bilang isang tao ginawa tayong malaya para magawa natin ang nais nating gawin. Sapagkat tayo ay mayroong kakayahan para alamin kung ano ang tama at ang mali.

Nakakagawa tayo ng mga bagay bagay na tama man o mali man, sinasadya man o hindi man sinasadya.

Kaya meron akong paniniwala na lahat ng mga ginagawa natin ay mayroong balik sa atin.

May pruweba ba? Meron. Kung anong siyang itinanim, siya ring aanihin. Tama ba? Maraming beses na tama. Kelan ba umani ng mansanas ang magsasaka mula sa kanyang sakahan ng palay?

The point is...kung gusto mong may bumalik sa iyo ng tama, gumawa ka ng tama. Lahat ng gawain may mali ay meron at merong kalalabasang mali.

Papaano naman ang mga gumagawa ng tama pero ang balik pa rin ay mali?

Ang Diyos ay merong plano sa atin na siya lamang ang nakaka-alam. Mga planong magpapabuti sa atin at hindi magpapasama.

Iyon lamang ang mga napasok na data sa aking Random Access Memory sa ngayon.

Hanggang sa muli.


Sa blog kaya na ito? Ano ang balik?

Wednesday, November 27, 2013

Random Access Memory

Naisip ko ngayon mamaya wala na. Naisip mo na ba kung gaano kalaki ang capacity ng iyong Random Access Memory? Naisip mo na ba kung gaano kabilis ang iyong Random Access Memory?

Ang memory ko malaki, mabilis, kaya nga lang...random.

Gets?

More to come!