Friday, December 6, 2013

Naranasan mo na ba?

Naranasan mo na ba yung feeling na meron kang gustong matutunan, pero walang gustong magturo sa iyo ng bagay na iyon?

Naranasan mo na ba yung inggit na inggit ka dahil napakagaling niya sa bagay na ganoon at sana ikaw din?

Pero naranasan mo na rin ba ang matutunan ang isang bagay na ikaw lang ang nagturo sa sarili mo ng kaalamang iyon at wala ng iba?

Ibig kong sabihin, walang personal na taong tumutok sa iyo para ituro ang mga bagay bagay pero may mga resources ka siyempre na ginawa ng isang tao.

Marami akong gustong matutunan, pero walang gustong magturo, may mga taong hindi naman interesado sa bagay na iyon, pero sila ang tinuturuan. Gawain ko na lamang ba ang matutunan ang isang bagay na ako lang?

Pero masasabi ko lamang, marami na rin akong bagay na natutunan ng ako lamang ang nagturo sa sarili ko.

Napakasarap ng feeling ng natutunan mo ang bagay na iyon ng ikaw lang. Napakaindependent.

Salamat na lang sa kanila at ipinagdamot nila ang kanilang karunungan. Marunong ang Diyos. Marami siyang resources.

Kaya sometimes, we use all of our available resources in our own disposal para lamang matutunan ang isang bagay.

Oh...another random...wala lang...may naalala lang...

Di ko na tuloy matuloy tuloy ang susunod na kabanata tungkol kay Chie.

Nakakinis din minsan. Writers needs privacy. Lalo na sa akin, beginner. Eh wala ako nun. Wala akong privacy. Saan ba nakakabili nun?

OK so long. Konting update lang then sa susunod ulit.

Pasundot sundot lamang.

Magandang gabi at happy blogging.

Tuesday, December 3, 2013

"Oo na ikaw na ang perpekto!!!!!"

Sa bawat taong dumadaan sa harap mo. Gaano kadalas lumalabas ang mga kritisismo sa iyong bibig? Gaano kabilis ang iyong mga mata na tila scanner sa pagtitig mula ulo hanggang paa ng mga natatanaw?
Salita, lakad, pananamit at kung anu-ano pang kilos.
Mga pisikal na aspeto ng tao ang kadalasang nagiging tema ng mga usapin.
At mula sa panlabas na anyo kahit hindi naman na tunay na kilala ang tinitingnan, hindi mabilang na kritisismo ang maririnig.

Meron nga na papuri ngunit kakambal pa rin nito ang simpleng pang-lalait.
Nasabi o narinig mo na ba ang mga linyang: " Oo ang ganda niya, pero mukhang utak langaw", o kaya naman: "pare ang seksi niya, pra siyang hipon katawan lang ang may K!", o dili naman kya, "Ang puti naman nyan, siguro bading."
Ilan lang yan sa mga salitang kumakawala sa bibig dahil sa mga nkikita ng mga mata.

Pero bakit nga ba hilig ng nkararami na pumuna sa mga kamalian o kakulangan ng ibang tao? Bakit kadalasan sa dinami rami ng pwedeng masabi, yung negatibo pa ang mga napapansin? Ito ba ay dahil sa karapatan ng bawat isa na magsalita at maglahad ng opinyon o baka naman nais lang makadama ng pagkalamang ng iba, isang hakbang na mas nakaka angat sa iba?

Madalas gawin gayung hindi naman kilala ang pinagmamasdan at lalong hindi naman ang masaklap na opinyon ukol sa kaniyang katauhan.

Alin man sa dalawa ang rason o wala man sa dalawa ang dahilan nrarapat na ilugar ang mga salitang binabanggit at piliin ang mga maganda ng ikaw ang pinaguusapan kaysa naman ikaw ang ngsasalita pero wala namang katuturan...


-Lanie Viloria

Chie

Nagmamadaling lumabas ng silid-aralan si Killua ng hapong iyon. Tumunog na ang kampana ng paaralan hudyat na tapos na ang panghuling klase ng araw na iyon. Gaya ng ilan sa mga mag-aaral, nalululong na rin sa paglalagi sa computer shop si Killua. Kadalasan na sa mga bata at binatilyo na ang tanging layunin nila kung bakit sila ay pumupunta sa lugar na ito ay para makapag-laro ng computer games. Ngunit kay Killua, iba ang kangyang pakay at kinasasabikan sa lugar na iyon.

Noon pa mang bata si Killua ay nalulong na siya pagdating sa paglalaro ng computer games. Nauna niyang kahiligang maglaro ng brick game. Hanggang sa makahiligan niya ring laruin ang gameboy, family computer, sega, arcade, playstation, at hanggang sa matutunan niyang maglaro ng mga laro sa desktop computer. Mayroon siyang desktop computr sa bahay ngunit mas gugustuhin niyang maglaro sa computer shop kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nababagot siya kapag single player lamang ang kaniyang nilalaro. Masmasaya kapag LAN games ang laro.

Natutong maglagi sa computershop si Killua noong siya ay malipat ng paaralan noong siya ay maging 3rd year highschool. Ang mga bagong niyang kabarkada ang nagturo sa kaniya kung paano maglaro ng computer games sa desktop. Ang usong mga laro na kaniyang nilalaro ay ang Counter Strike, Red Alert 2, Starcraft, at Diablo 2. Simula noon palagi na siyang naglalagi at naglalaro sa computer shop.

Hindi lamang mga naglalaro ng computer games ang makikita sa nasabing lugar. Naroon din ang mga mas nakatatandang mga binata at dalaga, ngunit hindi upang maglaro ng computer games. Naroon sila para magbrowse sa Internet, magcheck ng e-mail, at ang makipagchat sa YM o kaya sa MIRC.

Minsan naisipan din ni Killua ang mag Internet. Ano kaya ang mayroon sa Internet o kaya chat at nahihilig ang ilan dito. Kaya isang araw, naisip niyang diskubrehin ang misteryo sa likod nito. Ayaw niyang magpaturo sapagkat nahihiya siya, kaya sa una, siya ay nangapa pa. Ngunit hindi nagtagal ay nakabisado na niya ito at ng matutunan niya, isa na rin siya sa mga parokyano sa computer shop na iyon na ang hilig, ang maginternet. Ngunit paminsan minsan ay nakukuha pa rin niyang makipaglaro sa kanyang barkada.

Si Killua sa kaniyang edad, isang fourth year highschool, ay hindi pa naranasang magkaroon ng kasintahan, kagaya ng ilan sa kaniyang mga kakilala at kaklase. Sadiya siyang mahiyain at torpe pagdating sa babae. Samantalang kinder pa lamang siya noong una siyang magkaroon ng crush sa paaralan. Tony Rose ang pangalan ng una niyang naging crush sa paaralan. Kapag katabi niya ang kaniyang crush, nauutal siya at natatahimik na lamang.

Natuto ng makipagchat si Killua. May mga account na siya sa YM. Alam na niya kung paano magsend ng e-mail. At alam na ri niya kung papaano pumunta sa chatroom. At lahat ng iyon ay walang nagturo sa kaniya at siya lamang ang mag-isa nag-aral kung paano gawin ang lahat ng iyon. Naging normal na sa kaniya ang lahat ng iyon. Palagi siyang nakikipagchat pero walang siyang kasiyahang nadarama sa kaniyang puso. Hindi gaya kapag siya ay naglalaro ng computer games. Hanggang sa isang araw, nakilala niya ang isang chatter na nakilala niya sa pangalang Flim.

Oops, hanggang dito na lang muna...

Saturday, November 30, 2013

Paul Walker aka Brian O'Conner (Fast and Furious)



Namatay ang actor na si Paul Walker o kilala sa karakter na Brian O'Conner sa pelikulang Fast and Furious. Namatay si Walker sa eded na 40 at siya ay nasangkot sa isang single-car accident explosion sa Santa Clarita, California.

Ang nasabing actor ay di umanaoy nakasakay sa isang Porsche at ng isang di pa nakukumpirmang tao na siyang nagmamaneho sa sasakyan. Nawalang ng kontrol ang nagmamaneho at sila ay nabangga sa isang puno sa Santa Clarita, California na naging sanhi ng pagsabog ng sasakyan.

Ang nasabing aktor ay nasa isang car show sa Santa Clarita. Isa itong car show para sa suporta sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.


Pakealamero

Nakakainis yung mga taong pakealamero. In the sense na wala namang kabuluhan ang pangengealam. Free country ang social networking site at malayang magpost ang sino man ng kahit ano. Aba'y basta ba hindi sana nakakasakit ng kapwa (cyber bullying) eh di napakaganda.

Minsan kasi may mga taong nagkokomento sa mga komento ng may komento na hindi naman na dapat pa ikomento. Ang masama pa niyan, buti sana kung close kayo. FC eh. Feeling close.

Pero alam niyo kung anong mas nakakainis? Yung mga pumapatol sa pakealamero.

Paalam! Magandang gabi!

Friday, November 29, 2013

Inlove or Infatuated?

Meron akong nararamdaman. Isang kakaibang karamdaman. Karamdamang banyaga sa akin. Isang karamdamang hindi mawaglit sa aking damdamin.



Ako'y nagpakunsulta sa aking karamdaman. "Ano ang iyong nararamdaman", ang kanyang katanungan. Malakas at mabilis na tibok ng puso. Animo ako'y lumulutang. Napakagaan ng lahat, Nabibinat ang aking mga labi at naghuhugis half moon na naka higa. O kay sarap ng ganitong karamdaman.



"Ano ang sanhi ng iyong karamdaman?", muli niyang tanong sa akin. Sa tuwing siya ay aking makikita. Sa tuwing siya ay aking masisilayan. Larwan niya lang ang maaninagan, mundo koy napakagaan.

Ang resulta, ako daw ay In love.



Napakatagal ng panahon mula ng maramdaman ko ang ganitong karamdaman. Malamang nasa sampung taong mahigit na ang nakararaan.

Ngunit tanong ko sa aking sarili, ito nga ba'y tunay na pag-ibig? Sino ba ang nagbibigay sa akin ng ganitong karamdaman? Siya ba ay kapitbahay ko lamang? Ni kaeskuwela, katrabaho, o dili kaya'y kakilala ay hindi.



Siya ay isang taong nasilayan ko lamang sa larawan. Isang babaeng ni hindi ako kakilala. Isang babaeng napakahirap abutin. Napakahirap kausapin. Sapagkat, ni hindi kami magkakaintindihan kung sakali mang magkaroon ng pagkakataong kami'y makapagusap.



Tuloy naisip ko, ah malamang infatuation lamang.

Kahit na ganun pa man...nais ko lamang malaman mo...

Gusto na kita Emi Takei!



Spoiled Bratt!

Kanina pumunta ako ng mall. May sadya akong bilhin. Ng ako'y kasalukuyan ng bumibili, may kumalabit sa akin. Isang ale na nasa thirties marahil. Maayos ang pananamit. Maliit. Mukhang normal na normal. Ngunit noong siya na ay magsalita, medyo may diperensiya ang kanyang pananalita. Kinalabit ako sabay sabi sa akin, "hihingi lang po sana ng konting tulong."

Hindi ako nakasagot kaagad sa pagkabigla. Ganoon naman tayo minsan hindi ba? Kapag tayo ay nabibigla para tayong mga model na nagpapause sandali sa camera. Hindi ko alam ang isasagot ko sa ale. Hindi ko alam kung ako ay mag-oo o mag-hihindi.

Tinapos ko muna ang aking transaksyon sa salesman at ng maiabot sa akin ang sukli, tinignan ko ang ale. Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis. Maaawa sapagkat marahil sa kanyang kalagayan patungkol sa kanyang pananalita. Maaawa sapagkat naglakas loob siya na humingi ng pera sa ibang taong hindi naman niya kaano-ano. Hindi ko mawari kung tulong nga ang hinihingi niya o kaya limos. Automatic na pera ang hinihingi niya. Automatic na siya ay namamalimos. Yun ang tumakbo sa aking utak sa pagkabigla. At naiinis ako sa sarili ko sa panghuhusga ng ganoon kabilis sa kapwa tao. Naiinis ako sapagkat kung namamalimos man siya, napakalakas pa niya para kumita sana ng pera para sa kaniyang sarili. Naiinis sapagkat marami pa riyan ang kailangang mabigyan ng tulong hindi lamang siya.

Sa huli ako'y nagbigay.

Ngunit habang ako ay papalayo sa pinangyarihan, nagtatalo ang aking isipan.

Sinasabi sa Banal na Aklat na kailangan tayong tumulong sa ating kapwa. Kailangan tayong maging mapagbigay sa ating kapwa. Ngunit karapatdapat bang bigyan ang mga ganoon? Napakalakas ngunit namamalimos? Samantalang may mga tao, kung tutuusin mga matatanda na ngunit nagtratrabaho pa rin, ginagawa ang lahat ng makakaya, para lamang sila ay kumita ng pera at mabuhay.



Sino ba ang dapat bigyan ng limos?

Makatarungan ba ang pabibigay sa mga nanlilimos?


Tayo ba ay nakakatulong? O lalo lamang natin silan ini-ispoil? Manghihingi lang, presto, may pera na. O lalo lamang natin silang pinapahirapan?

Payslip

Sa mga karaniwang manggagawa, kadalsang inaasam-asam na petsa ng kalendaryo ay ang mga merong numerong 15 at 30. Madalas maririnig ang katagang "malapit na ang katapusan", hindi sa dahil end of the world na.

Ang end of the world ay ang pangyayaring hanggat maaari ay ayaw ng mangyari.

Pero ang end of the calendar ang pinakahihintay na maganap.

Sahuran. Payday.

Ayan yung time na tatawagin ka sa opisina at may iaabot sa iyong sobre at may ipapapirma sa iyong kapiraso ng papel. Kapiraso ng papel na naglalaman ng mga detalye ng iyong sahod.

Ang ilan ay masaya na nakakatanggap ng payslip yun ay kung kompleton nakuha ang sahod sa kinsenas o kaya katapusan. Eh pero kapag puro kaltas na lamang ang nakikita mo sa statement mo, sino namang kayang nilalang ang matutuwa.

Hindi na bale, ang mahalaga doon, lahat ng nakakaltas ay para naman sa iyong sariling kapakanan. Kung, doon nga talaga napupunta ang mga nakasaad sa payslip. Sana ganoon nga. sana nga. Sana.

Paano ba yan... Sahuran na...

Kaya let's rock!

Thursday, November 28, 2013

Karma

Bilang isang tao ginawa tayong malaya para magawa natin ang nais nating gawin. Sapagkat tayo ay mayroong kakayahan para alamin kung ano ang tama at ang mali.

Nakakagawa tayo ng mga bagay bagay na tama man o mali man, sinasadya man o hindi man sinasadya.

Kaya meron akong paniniwala na lahat ng mga ginagawa natin ay mayroong balik sa atin.

May pruweba ba? Meron. Kung anong siyang itinanim, siya ring aanihin. Tama ba? Maraming beses na tama. Kelan ba umani ng mansanas ang magsasaka mula sa kanyang sakahan ng palay?

The point is...kung gusto mong may bumalik sa iyo ng tama, gumawa ka ng tama. Lahat ng gawain may mali ay meron at merong kalalabasang mali.

Papaano naman ang mga gumagawa ng tama pero ang balik pa rin ay mali?

Ang Diyos ay merong plano sa atin na siya lamang ang nakaka-alam. Mga planong magpapabuti sa atin at hindi magpapasama.

Iyon lamang ang mga napasok na data sa aking Random Access Memory sa ngayon.

Hanggang sa muli.


Sa blog kaya na ito? Ano ang balik?

Wednesday, November 27, 2013

Random Access Memory

Naisip ko ngayon mamaya wala na. Naisip mo na ba kung gaano kalaki ang capacity ng iyong Random Access Memory? Naisip mo na ba kung gaano kabilis ang iyong Random Access Memory?

Ang memory ko malaki, mabilis, kaya nga lang...random.

Gets?

More to come!